Tuesday, March 16, 2010

a repost: the misadventures of a certified MASA


isa sa mga favorite blog entry ko. =)
*  *  *
Inaamin ko, isa akong certified MASA: Masandal lang, tulog na.

Ano bang ibig sabihin ng Masandal lang, tulog na? eto yung mailagay mo lang yung ulo mo sa isang kumportableng posisyon, at ayun, boom, tulog ka na.

Naalala ko nung high school ako, lagi akong napapatayo dahil lagi akong tulog sa klase. Nung first year high school ako, tinuruan ako ng classmate kong matulog ng mulat ang mata. Unfortunately, di ko pa siya ganun ka-master, at tiempuhan lang kung magawa.

Naranasan ko nung college na matulog ng nakahiga sa sahig sa likod ng classroom habang nagkla-klase. Antok na antok kasi ako nun, at habang naghihintay sa susunod na klase, eh natulog muna ako. Etong mga lokong kaklase ko, hindi man lang ako ginising. Nagulat na lang ako ng pagmulat ko ng aking mga mata eh mukha ng aking teacher ang bumulaga sa akin (at ayaw ko pang gumising nito ha!).

Meron namang mga beses na nakakatulog ako sa corridor, sa hagdanan, waiting shed o kaya kahit nakatayo at naghihintay ng jeep. Minsan nga kahit sa park, library, simbahan at sinehan pa. Basta maging kumportable lang yung ulo ko, ayan, tulog na ako.

May mga ibang tao na naiinis sa mga taong natutulog sa mga pampublikong sasakyan. Sa akin, normal lang yun. Intindihin na lang. Baka kasi pagod eh. Pero ang di ko maintindihan eh yung makatulog ka sa tricycle o sa pedicab. Eh ang lapit na nga lang ng binabyahe ng mga ito, nakakatulog pa. Katulad ko.

May mga sitwasyon din na dapat di ka matulog pero nakakatulog pa rin ako.Naalala ko yung first job ko. Orientation day ko nun bilang recrutiment assistant. Tumalikod lang sandali yung facilitator namin, ayun nakaidlip na ako. Minsan naman, nagi-interview ako ng aplikante. Tapos bigla ko na lang narinig, “ma’m natutulog po ba kayo?” syempre, para di mahuli, sagot ko na lang “no, I’m just resting my eyes”. Minsan naman, sa sobrang antok ko, nagpaalam ako sa kalagitnaan ng isang meeting para mag-c.r. nakita ko yung officemate ko na nasa storage room so nag-power nap muna ako for 10 minutes. Pagbalik ko, sabi sa akin ng boss ko, “Khyme, did you sleep?” syempre, mega-deny ako dib a. tapos tumawa siya at sinabing “then why do you have a mark on your forehead?” ayun, buking!

Isang beses naman, meeting din with our principal. Dahil ako yung teacher ng junior level, kinailangan kong umupo sa harapan. Eh nakaidlip ako. Nung ginigising ako, ayun tinatawag nap ala ako para umuwi. Ala, katagal kong nakatulog! At kinausap ako ng principal. Takot ko dib a. pero sabi na lang niya, “if you’re sleepy next time, please do not attend the meeting.” Sabay ngiti. Buti na lang di siya nagalit!

Meron naming beses na naggrou-group activity ako at di ko alam na nakaidlip na ako. Nung kinalabit na lang ako ng estudiante ko at sinabing “tulog ka noh, teacher?” ng malaman kong nakatulog ako. At kinabukasan, sinabi niya, “teacher, sabi ni mommy, bawal matulog sa school. Sabi ko kasi ikaw po natutulog.” Grabe ang hiya ko!

Madalas akong nakakatulog pag may kausap ako sa telepono o kaya naman overnight sa isang bahay at kwentuhan. Kahit sa group discussion, ayan pumipikit-pikit na ang mga mata ko. Minsan naman, kahit nasa c.r. na ako at nagsu-sudoku o nagbabasa ng diyaryo habang *toot, ayan nakakatulog na ako. Di ko kaya, inaantok talaga ako eh.

Pero kanina, na-realized ko lang na sobra pala talaga akong MASA. Galing ako sa dentista ko. At habang may ginagawa siya sa ngipin ko, i just found myself closing my eyes. And after a while, narinig ko na lang yung dentista ko saying (in Spanish) “khyme, wake up. You need to be awake for me to finish this procedure”. Di ko alam kung epekto bay un ng anesthesia o antukin lang.

Di ko alam kung saan pa ako makakatulog minsan. Nage-effort naman akong pigilan eh. Lagi na lang ako nage-explain sa mga tao na antukin lang talaga ako. Pero alam ko na dapat, ma-solusyonan ko din ito. Pero sa ngayon, magi-ipon pa ako ng mas maraming misadventures ng isang certified MASA.


No comments:

Post a Comment