Monday, March 15, 2010

hypnotized by a Pandecoco


Last year, pumunta ako sa probinsiya ng friend ko sa Bataan. Hindi ko na maalala kung bakit kami pumunta pero naalala ko na nag-serve kami sa isang Mass ng isang Spanish-speaking priest.

Pumunta kami sa bayan kung saan kumain kami ng street foods at tumingin ng mga damit na pwede namin gamitin sa Congress na pupuntahan namin. Habang naglalakad kami, naisipan ng kaibigan ko na puntahan yung Tita niya na may tindahan sa may palengke. Eh di lakad dito, lakad dun. Hanggang sa nakarating na rin kami sa tindahan. Tingin dito, tingin duon. Tapos eto ang nangyari:

My version:
Nakita ko yung panaderia katabi ng tindahan. Tumitingin tingin dahil gutom pa rin ako. Hanggang sa nakita ko yung pandecoco. Hindi ko alam kung ano yung nangyari, pero yung pakiramdam ko nun eh tuwang tuwa at parang inaasam ko talaga ang pagkain ng pandecoco. Bumili ako gn 5, at ang unang kagat... oh-la-la. Parang tumigil ang mundo. Ako lang at ang pandecoco.

My friend's version:
Magkatabi lang tayo nun. Tinawag lang ako ng Tita ko sandali at pagbalik ko wala ka na. Hinanap kita at yun nga, natagpuan kita sa may panaderia. Tinawag kita ng ilang beses pero hindi ka lumilingon. Sigurado naman akong malakas ang boses ko nun dahil tumingin na rin yung mga tao na nasa panaderia. Patuloy ka sa paglapit sa panaderia. Dahan-dahan na paglalakad. Tapos bumili ka ng 5 pirasong pandecoco. Tinawag uli kita. Pero para kang sinaniban ng kung ano. Dahil hindi ka pa rin lumingon. Nagsimula na akong lumapit sa iyo ng makita kitang kumagat sa pandecoco na hawak mo. At dun ko nakita ang kakaibang ngiti. At ng tinapik kita, nagulat ka. Para kang nakakita ng multo. At ng tinanong kita kung narinig mo ako, sabi mo hindi. Dun ko napagtanto na para kang na-hypnotized ng pandecoco.
*  *  *
Paborito ko kasi ang pandecoco. Naalala ko nung bata pa kami ng mga kapatid ko, may malapit na panaderia sa may amin. Tuwing hapon, nagpapabili ang lola ko ng tinapay. Iba't-ibang tinapay. May spanish bread, kababayan, ensaymada, pandesal at kung anu-ano pa. Hindi ako masyadong mahilig sa tinapay. Pero nang isang araw na may inuwing pandecoco, na-curious ako dahil may niyog sa loob. Sabi ng Lola ko, matamis daw iyon. At dahil mahilig ako sa matamis, syempre, tinikman ko. At dun na nagsimula ang love affair ko sa pandecoco.
*  *  *
Nung nakita ko yung pandecoco sa panaderia, parang tinatawag ako nito. Kaya bumili ako ng 5. At ng pagkagat ko, napangiti nga ako. Naalala ko kasi yung mga hapon na kumakain ako nung bata pa ako. At yun kasi ang unang beses kong kumain ng pandecoco pagbalik ng Pilipinas pagkatapos ng 2 taon sa misyon.

Naisip ko lang na hindi nasusukat sa liit o laki ng isang bagay o pangyayari kung paano nito patitigilin ang mundo mo; depende na lang kung gaano kalalim ang pinagdaanan mo kasama nito at gaano kalaki ang naging bahagi nito sa buhay mo.

No comments:

Post a Comment