hindi dahil laging nakangiti ang isang tao, ibig sabihin ay masaya na siya. maaaring sa pagkakataon na yun, oo masaya siya. pero sapat na ba yun na batayan para sabihing totoo na masaya siya?
para sa akin, ang batayan ko kung masaya ang isang tao ay kapag tiningnan ko na ang kanyang mata. may kasabihan nga na ang mga mata daw ang susi sa ating kaluluwa. kung ano ang nakikita sa iyong mata, yun ang makikita sa iyong kaluluwa.
* * *
minsan, kung wala ka naman masyadong ginagawa o hindi ka naman nagmamadali, subukan mo lang titigan ang mga nakakasalubong mo, nakasakay mo sa jeep o sa bus o kaya'y mismong kapamilya o kaibigan mo. syepmre, hindi naman yung tipong mukha ka ng manyak sa pagtitig. yung tama lang, yung enough lang na makita mo ang mga mata niya. bilangin mo sa mga nakatitigan mo kung ilan dito ang may ngiti ang mga mata at ang mga malalayo ang tingin.
kung malapit ka naman sa taong tinitigan mo, wag ka ng mahiyang magtanong. baka yun lang ang hinihintay niya.
* * *
ang mga broken souls, madalas kapag tinanong mo kung ano ang bumabagabag sa kanila, hindi nila sasabihin sa iyo.
tingnan natin ito sa 2 perspekto:
una, sa perspekto ng nagtanong - maaring magtanong ka na ng ilang beses sa isang broken soul pero kahit anong paraan pa ang gawin mo, ayaw niyang sabihin sa iyo. feeling mo tuloy hindi ka kapani-paniwala. o kaya naman, nag-iinarte yung tao.
pangalawa, sa isang broken soul. hindi sa ayaw ka niya kausapin o hindi ka niya pinagkakatiwalaan o di kaya nama'y nag-iinarte ka. minsan kasi, mahirap aminin na isa kang broken soul. ang sinasabi kasi ng nakakarami na dapat lagi kang okay, na walang karapatan ang maging broken. at pag umamin kang broken soul ka, talo ka na sa competition. pero pwede rin naman nating tingnan sa angulo na naamin na niya na isa siyang broken soul pero wala siyang lakas sabihin sa iba o humingi ng tulong. hindi dahil ayaw niya, pero hindi lang niya alam kung paano.
kaya wala tyong karapatan manghusga sa mga taong broken pero ayaw magsabi. baka kasi dun sila sa huling rason - nahihirapan i-express ang sarili. kapag may nakita kang isang broken soul ngayon, lapitan mo. tanungin mo kung bakit. kung hindi ka sagutin, okay lang. kung sagutin ka, makipag-kwentuhan ka. baka kasi ikaw yung sagot sa dasal niya na maialis siya sa pagiging broken soul niya sa araw na iyon.
No comments:
Post a Comment