Friday, March 26, 2010

ako ba ang nakalimot o baka ikaw?




nakita ko uli ang mga litrato natin nuon.

masaya. makulit. walang problema.
naalala ko bigla yung mga panahon na tayo ay magkasama.
naglalakad sa initan. nilalanghap ang usok ng mga sasakyan.
kumakain sa kanto ng kahit ano. pumupunta kahit saan para makakita ng pagkakatuwaan.
maraming kwentuhan. at tawanan. may malungkot. tungkol sa pamilya. at sa pag-ibig. mga iba't-ibang lihim. mga kinahihiligan. mga paninindigan. at kinaaabalahan.

hindi ko maidugtong ang mga litratong ito sa kung ano na tyo ngayon.
dati masaya, ngayon tayo'y deadma.
dati lagi magkasama, ngayon ay nag-iiwasan na.
dati ay di magkaugaga sa kwentuhan, ngayon ay parang pader ang kaharap pag magkasama.

anong nangyari sa dati?
sino ba ang nagpabaya?
ako ba?
ikaw ba?
alam ko na marami akong bagay na nakakalimutan.
pero ang mga bagay tulad ng pagkakaibigan, mahirap ata. 
lalo na kung naging masaya kayo dati. o kaya marami na kayong pinagsamahan.

sino ba sa atin ang nakalimot?
ako ba?
o ikaw?
kung sakali ba, maaalala pa ba natin kung anong pagkakaibigan meron tayo nun?
maibabalik kaya?
kung hindi man, kaya ba nating tanggapin
na isa na lamang na mganadang alaala ang lahat?
baka nga. baka nga.

Friday, March 19, 2010

Faith is...

... an adventure
... an assurance that God is in control
... an assurance that God will have the last laugh

but faith doesn't assure that you will see the details

All faith is asking, is that you trust. For you have an Almighty God.

"We are not the Master builder. We are just ordinary workers"

Minsan...


Minsan, ang hilig natin kumain kahit busog na. O kaya nama’y umiwas sa pagkain kahit gutom na gutom na dahil daw nagda-diet.

Minsan, ang hilig natin gumastos at bumili ng mga bagay na hindi naman kelangan tulad ng mga nilalako sa daan na batsa, sabon at kung anu-ano pa. Pero kapag kelangan naman ng pera dahil sa matinding pangangailangan, wala ng mailabas dahil nabili mo ng sandamakmak na batsa, sabon, atbp.

Minsan, past time natin ang mangarap ng gising – sana yumaman ako, o kaya’y makapag-asawa ako ng guwapo o di kaya’y maging sikat na artista ako. Pero kapag andiyan na ang mga pinangarap – kapag nanalo ka na lotto, o di kaya naman si John Lloyd ang naging boyfriend mo o sa Hollywood ka na-discover – hindi ka pa rin nakukuntento. Kumbaga, naghahanap ka pa rin ng mas hihigit pa sa mga pinangarap mo.

Minsan, mahilig tayong gumawa ng mga bagay na hindi na pinag-iisipan – dahil masaya, dahil yun yung nararamdaman mong gawin sa pagkakataong iyon, dahil naging katotohanan na yun ng pagde-day dream mo – kahit alam mong mali, sablay o hindi dapat. At kapag nangyari na, kapag andiyan na yung consequence ng mga bagay na hindi pinag-isipan, dun nagsisisi. Dun nagtatanong ng “bakit ko ba nagawa ito?” at maghahanap ng mga iba’t-ibang palusot para ma-justify ang maling nagawa para hindi lang madiin dito.

Minsan, madali para sa atin na mag-share ng mga magagandang bagay at aral na nangyari sa iyo, sa pag-asang may matututunan sila sa iyo. Pero minsan, nakakalimutan natin na hindi lang puro salita ang pangaral; mas mahalaga ay kung nakikita ba itong pangaral mo sa buhay mo. 

Minsan, ang hilig natin mabuhay sa mga alaala ng nakaraan at sa pagpla-plano ng kinabukasan na nakakalimutan na natin ang kahalagahan ng ngayon. Magigising ka na lang minsan na iba na ang mga nasa paligid mo, at di mo narin kilala ang mga tao sa paligid mo dahil antagal mong nahimbing sa pagtulog sa nakaraan at hinaharap.

Minsan, may mga bagay tayong dapat alisin sa ating buhay kahit mahirap at masakit, dahil yun lang ang paraan para mas maging maayos ka. Tulad na lang ng blackheads at in-grown; ng mga blogs na hindi dapat mabasa at nga mga taong naging importante pero hindi naman dapat.

Minsan, kelangan paulit-ulit mong sabihin sa sarili mo ang mga bagay na dapat mong gawin para maalala mo, para magawa mo. Tulad na lamang ng mga bagay na kelangan mong gawin sa araw na iyon. O kaya naman yung listahan sa utak mo ng bibilhin sa grocery. O di kaya ang pagbitaw at paglimot sa isang minamahal.

Minsan, kelangan mong paniwalaan at pagkatiwalaan ang mga kaibigan mo na tama ang mga sinasabi nila sa iyo - yun ay kung mabubuti ang mga kaibigan mo. Gusto ka lang nila maging masaya at iniiwas ka lang nila sa pwede pang mangyari na mas masakit. Minsan, kahit mahirap para sa atin tanggapin, kelangan nating sumunod dahil alam naman nating tama sila.

Minsan, masaya din tumulala, yung walang iniisip, yung utak ay nasa hangin lang. Ang titigan ang pader. O kaya naman ang espasyo. Pag nagsawa ka na, bilangin mo na lang kugn ilang bituin ang makikita sa langit. O kaya nama'y gaano kadaming alikabok ang dumapi sa iyong mga pisngi. Para maiba naman, hindi yung isip lang ng isip.

Minsan, masarap bumalik sa mga bagay na ginagawa mo nung bata ka pa: mag bike, mag-coloring books, mag-patintero o piko, at kung anu-ano pa. Aminin mong napapangiti ka dahil naaalala mo kung gaano ka kasaya ng ginagawa mo eto nung bata ka. Ang mga bagay na nagpapaalala na simple lang ang buhay. Tayong matatanda lang naman ang nagpapakumplikado nito.

Minsan, masarap magka-crush. Yung kilig, yung sinisilip silip mo kung anjan na siya, yung napapangiti ka kapag katabi mo siya. Nung bata ako, kapag may crush ako, flina-flames ko agad yan para malaman kung bagay ba kami (para sa mga di nakakaalam, malamang, mas bata kayo sa akin). Pero ngayong tumanda na ako, pag nalaman na may crush ka, para ka daw bata. Hindi mo na rin alam kung paano i-express dahil marami na ring mga mata ang nakatingin sa iyo. Nalaman mo na kalokohan lang pala ang pagfla-flames ng mga pangalan niyo. At naisip mo rin na trying hard magpa-pansin kung magpapa-cute ka sa crush mo.

Minsan, masaya gumawa ng isang bagay na out-of-the-blue: yung hindi napag-planuhan, yung spur of the moment na mga lakad. Iba kasi yung dating, may sense of adventure at adrenalin rush. Hindi mo kasi alam kung ano ang pwedeng gawin, sino ang pwedeng kasama at hanggang saan kayo makakarating. At syempre, good, clean fun lang ang gusto kong tumbukin dito. Yung mga tipo bang naisipan mo lang yayain yung kaibigan mo na hindi mo na nakita for the last 5 years para mag-bike sa QC Circle; o mag-stalk ng crush ng kaibigan mo para malaman ang mga activities niya nung araw na iyon. *wink*

Minsan, mas okay para sa akin na sabihin mo kung maya ayaw ka sa akin o may kelangan akong baguhin o nasaktan kita, kesa araw-araw tayong nagkikita na hindi ko alam eh nang-gigilaiti ka na sa galit o inis dahil ayaw mo ngang sabihin sa akin. Oo, masasaktan ako kapag sinabi mo, pero at least alam ko na at pag-aaralan ko kung ano ang dapat gawin. Kesa naman baka ikamatay mo pa ang sama ng loob mong yan at di ka pa nagiging totoo sa sarili mo at sa mga tao sa paligid mo, ikaw rin ang mahihirapan.

Minsan, kelangan mong matutong huindi dahil eto ang mas makakabuti para sa mga nakararami.Kelangan mong alamin at intindihin kung ano ang dapat mong gawin at ano ang mga bagay na sa iba mo na lang ipagawa dahil hindi mo talaga kaya o hindi para sa iyo.

Minsan, kelangan mong lumabas sa kahon na kinalalagyan mo para sabihin at ipakita sa mga taong importante sa iyo na mahal mo sila. Kahit gaano pa yan ka-cheesy, ang importante napadama mo ang kahalagahan nila para sa iyo.

Minsan, kelangan mong tumigil sa ginagawa mo para magpahinga. hindi dahil tinatamad ka na, pero para maibalik mo ang iyong lakas at makagawa pa ng mas maraming bagay. Minsan, mas mahirap kapag na-burn out ka. Minsan, may mga hindi na nakaka-recover diyan.

Minsan, o madalas, kelangan mong malaman kung kelan ba yung sinasabing perfect timing o tamang panahon bago mo gawin ang isang bagay. Hindi lahat ng bagay pwede mong gawin dun sa oras na gusto mong gawin. Minsan kelangan mong maghintay, dahil kelangan siya sa proseso na kelangan pagdaanan. Dahil kung hindi, mahihinog sa pilit. Hindi maganda ang magiging bunga nito.

At minsan, nauubusan ka rin ng sasabihin. Signal na yun na tapusin mo na ang blino-blog mo at kelangan mo naman gumawa ng iba pang bagay na mas mahalaga pa dito.


Wednesday, March 17, 2010

and it's not a personal blog anymore...

Yesterday, i found out that my blog site (yes, this site!) is linked to our website. So, anyone who visits the website and check the link page can automatically read my posts here.

At first, I was like "Huuuwaaattt???". In disbelief. This is my personal site, where I can just be me, without thinking of what other people will say, blah, blah. But at the same time, it's an "exclamation point!" since it reminded me that there are some things that is better left to yourself and some close friends than letting the whole world know about it. (i'm not Kris anyway)

Oh well, with readers or none, I will still continue to blog.

=)

God really writes the perfect love story!


... and I love how He wrote the love story of my two closest friends, Wilmon Penalosa and Steph Vargas.

Want to see the proof? Watch their on-site wedding video here to witness how it's possible that two people can really be bonded not with their love for each other, but more so, their love for God.

So, for those who are cynics with marriage and forever, you gotta see this video and be awed and experience God's amazing love through Wilmon and Steph.

Tuesday, March 16, 2010

a repost: the misadventures of a certified MASA


isa sa mga favorite blog entry ko. =)
*  *  *
Inaamin ko, isa akong certified MASA: Masandal lang, tulog na.

Ano bang ibig sabihin ng Masandal lang, tulog na? eto yung mailagay mo lang yung ulo mo sa isang kumportableng posisyon, at ayun, boom, tulog ka na.

Naalala ko nung high school ako, lagi akong napapatayo dahil lagi akong tulog sa klase. Nung first year high school ako, tinuruan ako ng classmate kong matulog ng mulat ang mata. Unfortunately, di ko pa siya ganun ka-master, at tiempuhan lang kung magawa.

Naranasan ko nung college na matulog ng nakahiga sa sahig sa likod ng classroom habang nagkla-klase. Antok na antok kasi ako nun, at habang naghihintay sa susunod na klase, eh natulog muna ako. Etong mga lokong kaklase ko, hindi man lang ako ginising. Nagulat na lang ako ng pagmulat ko ng aking mga mata eh mukha ng aking teacher ang bumulaga sa akin (at ayaw ko pang gumising nito ha!).

Meron namang mga beses na nakakatulog ako sa corridor, sa hagdanan, waiting shed o kaya kahit nakatayo at naghihintay ng jeep. Minsan nga kahit sa park, library, simbahan at sinehan pa. Basta maging kumportable lang yung ulo ko, ayan, tulog na ako.

May mga ibang tao na naiinis sa mga taong natutulog sa mga pampublikong sasakyan. Sa akin, normal lang yun. Intindihin na lang. Baka kasi pagod eh. Pero ang di ko maintindihan eh yung makatulog ka sa tricycle o sa pedicab. Eh ang lapit na nga lang ng binabyahe ng mga ito, nakakatulog pa. Katulad ko.

May mga sitwasyon din na dapat di ka matulog pero nakakatulog pa rin ako.Naalala ko yung first job ko. Orientation day ko nun bilang recrutiment assistant. Tumalikod lang sandali yung facilitator namin, ayun nakaidlip na ako. Minsan naman, nagi-interview ako ng aplikante. Tapos bigla ko na lang narinig, “ma’m natutulog po ba kayo?” syempre, para di mahuli, sagot ko na lang “no, I’m just resting my eyes”. Minsan naman, sa sobrang antok ko, nagpaalam ako sa kalagitnaan ng isang meeting para mag-c.r. nakita ko yung officemate ko na nasa storage room so nag-power nap muna ako for 10 minutes. Pagbalik ko, sabi sa akin ng boss ko, “Khyme, did you sleep?” syempre, mega-deny ako dib a. tapos tumawa siya at sinabing “then why do you have a mark on your forehead?” ayun, buking!

Isang beses naman, meeting din with our principal. Dahil ako yung teacher ng junior level, kinailangan kong umupo sa harapan. Eh nakaidlip ako. Nung ginigising ako, ayun tinatawag nap ala ako para umuwi. Ala, katagal kong nakatulog! At kinausap ako ng principal. Takot ko dib a. pero sabi na lang niya, “if you’re sleepy next time, please do not attend the meeting.” Sabay ngiti. Buti na lang di siya nagalit!

Meron naming beses na naggrou-group activity ako at di ko alam na nakaidlip na ako. Nung kinalabit na lang ako ng estudiante ko at sinabing “tulog ka noh, teacher?” ng malaman kong nakatulog ako. At kinabukasan, sinabi niya, “teacher, sabi ni mommy, bawal matulog sa school. Sabi ko kasi ikaw po natutulog.” Grabe ang hiya ko!

Madalas akong nakakatulog pag may kausap ako sa telepono o kaya naman overnight sa isang bahay at kwentuhan. Kahit sa group discussion, ayan pumipikit-pikit na ang mga mata ko. Minsan naman, kahit nasa c.r. na ako at nagsu-sudoku o nagbabasa ng diyaryo habang *toot, ayan nakakatulog na ako. Di ko kaya, inaantok talaga ako eh.

Pero kanina, na-realized ko lang na sobra pala talaga akong MASA. Galing ako sa dentista ko. At habang may ginagawa siya sa ngipin ko, i just found myself closing my eyes. And after a while, narinig ko na lang yung dentista ko saying (in Spanish) “khyme, wake up. You need to be awake for me to finish this procedure”. Di ko alam kung epekto bay un ng anesthesia o antukin lang.

Di ko alam kung saan pa ako makakatulog minsan. Nage-effort naman akong pigilan eh. Lagi na lang ako nage-explain sa mga tao na antukin lang talaga ako. Pero alam ko na dapat, ma-solusyonan ko din ito. Pero sa ngayon, magi-ipon pa ako ng mas maraming misadventures ng isang certified MASA.


broken souls.



hindi dahil laging nakangiti ang isang tao, ibig sabihin ay masaya na siya. maaaring sa pagkakataon na yun, oo masaya siya. pero sapat na ba yun na batayan para sabihing totoo na masaya siya?

para sa akin, ang batayan ko kung masaya ang isang tao ay kapag tiningnan ko na ang kanyang mata. may kasabihan nga na ang mga mata daw ang susi sa ating kaluluwa. kung ano ang nakikita sa iyong mata, yun ang makikita sa iyong kaluluwa.
*   *   *
minsan, kung wala ka naman masyadong ginagawa o hindi ka naman nagmamadali, subukan mo lang titigan ang mga nakakasalubong mo, nakasakay mo sa jeep o sa bus o kaya'y mismong kapamilya o kaibigan mo. syepmre, hindi naman yung tipong mukha ka ng manyak sa pagtitig. yung tama lang, yung enough lang na makita mo ang mga mata niya. bilangin mo sa mga nakatitigan mo kung ilan dito ang may ngiti ang mga mata at ang mga malalayo ang tingin. 

kung malapit ka naman sa taong tinitigan mo, wag ka ng mahiyang magtanong. baka yun lang ang hinihintay niya.
*  *  *
ang mga broken souls, madalas kapag tinanong mo kung ano ang bumabagabag sa kanila, hindi nila sasabihin sa iyo.

tingnan natin ito sa 2 perspekto:
una, sa perspekto ng nagtanong - maaring magtanong ka na ng ilang beses sa isang broken soul pero kahit anong paraan pa ang gawin mo, ayaw niyang sabihin sa iyo. feeling mo tuloy hindi ka kapani-paniwala. o kaya naman, nag-iinarte yung tao. 

pangalawa, sa isang broken soul. hindi sa ayaw ka niya kausapin o hindi ka niya pinagkakatiwalaan o di kaya nama'y nag-iinarte ka. minsan kasi, mahirap aminin na isa kang broken soul. ang sinasabi kasi ng nakakarami na dapat lagi kang okay, na walang karapatan ang maging broken. at pag umamin kang broken soul ka, talo ka na sa competition. pero pwede rin naman nating tingnan sa angulo na naamin na niya na isa siyang broken soul pero wala siyang lakas sabihin sa iba o humingi ng tulong. hindi dahil ayaw niya, pero hindi lang niya alam kung paano.

kaya wala tyong karapatan manghusga sa mga taong broken pero ayaw magsabi. baka kasi dun sila sa huling rason - nahihirapan i-express ang sarili. kapag may nakita kang isang broken soul ngayon, lapitan mo. tanungin mo kung bakit. kung hindi ka sagutin, okay lang. kung sagutin ka, makipag-kwentuhan ka. baka kasi ikaw yung sagot sa dasal niya na maialis siya sa pagiging broken soul niya sa araw na iyon.


Monday, March 15, 2010

hypnotized by a Pandecoco


Last year, pumunta ako sa probinsiya ng friend ko sa Bataan. Hindi ko na maalala kung bakit kami pumunta pero naalala ko na nag-serve kami sa isang Mass ng isang Spanish-speaking priest.

Pumunta kami sa bayan kung saan kumain kami ng street foods at tumingin ng mga damit na pwede namin gamitin sa Congress na pupuntahan namin. Habang naglalakad kami, naisipan ng kaibigan ko na puntahan yung Tita niya na may tindahan sa may palengke. Eh di lakad dito, lakad dun. Hanggang sa nakarating na rin kami sa tindahan. Tingin dito, tingin duon. Tapos eto ang nangyari:

My version:
Nakita ko yung panaderia katabi ng tindahan. Tumitingin tingin dahil gutom pa rin ako. Hanggang sa nakita ko yung pandecoco. Hindi ko alam kung ano yung nangyari, pero yung pakiramdam ko nun eh tuwang tuwa at parang inaasam ko talaga ang pagkain ng pandecoco. Bumili ako gn 5, at ang unang kagat... oh-la-la. Parang tumigil ang mundo. Ako lang at ang pandecoco.

My friend's version:
Magkatabi lang tayo nun. Tinawag lang ako ng Tita ko sandali at pagbalik ko wala ka na. Hinanap kita at yun nga, natagpuan kita sa may panaderia. Tinawag kita ng ilang beses pero hindi ka lumilingon. Sigurado naman akong malakas ang boses ko nun dahil tumingin na rin yung mga tao na nasa panaderia. Patuloy ka sa paglapit sa panaderia. Dahan-dahan na paglalakad. Tapos bumili ka ng 5 pirasong pandecoco. Tinawag uli kita. Pero para kang sinaniban ng kung ano. Dahil hindi ka pa rin lumingon. Nagsimula na akong lumapit sa iyo ng makita kitang kumagat sa pandecoco na hawak mo. At dun ko nakita ang kakaibang ngiti. At ng tinapik kita, nagulat ka. Para kang nakakita ng multo. At ng tinanong kita kung narinig mo ako, sabi mo hindi. Dun ko napagtanto na para kang na-hypnotized ng pandecoco.
*  *  *
Paborito ko kasi ang pandecoco. Naalala ko nung bata pa kami ng mga kapatid ko, may malapit na panaderia sa may amin. Tuwing hapon, nagpapabili ang lola ko ng tinapay. Iba't-ibang tinapay. May spanish bread, kababayan, ensaymada, pandesal at kung anu-ano pa. Hindi ako masyadong mahilig sa tinapay. Pero nang isang araw na may inuwing pandecoco, na-curious ako dahil may niyog sa loob. Sabi ng Lola ko, matamis daw iyon. At dahil mahilig ako sa matamis, syempre, tinikman ko. At dun na nagsimula ang love affair ko sa pandecoco.
*  *  *
Nung nakita ko yung pandecoco sa panaderia, parang tinatawag ako nito. Kaya bumili ako ng 5. At ng pagkagat ko, napangiti nga ako. Naalala ko kasi yung mga hapon na kumakain ako nung bata pa ako. At yun kasi ang unang beses kong kumain ng pandecoco pagbalik ng Pilipinas pagkatapos ng 2 taon sa misyon.

Naisip ko lang na hindi nasusukat sa liit o laki ng isang bagay o pangyayari kung paano nito patitigilin ang mundo mo; depende na lang kung gaano kalalim ang pinagdaanan mo kasama nito at gaano kalaki ang naging bahagi nito sa buhay mo.

Friday, March 12, 2010

"why do you blog?"



isang kaibigan ang nagtanong nito matapos mabasa niya ang isa sa mga naisulat ko sa blog na ito.

bakit nga ako nagblo-blog?

una, expression of one self. hindi ako writer. hindi ko alam kung magiging isa man ako. pero ang gusto ko lang sumulat. tapos.

pangalawa. gusto ko lang i-share sa mundo ng internet yung mga iba't-ibang kwento ng buhay ko; iba't-ibang ideya, saloobin, ninanais. hindi para magmayabang o kung ano man. simple lang, gusto ko lang ibahagi ang buhay ko.

at pangatlo. hindi ko alam kung bakit pero kapag ako'y nagblo-blog, iba yung feeling. yung para bang feeling free ako, na hindi na ako dapat magkunwari, pwede akong maging ako, walang keme sa ibang tao, emo man o hindi wala akong pakielam dahil blog site ko ito.

masaya ako kapag nagblo-blog ako. masaya akong basahin ang mga minsan nakaka-inspire at minsan naman nakakatawang entries ko. hindi ko na rin iniisip kung anong sasabihin ng magbabasa ng mga ito. hindi na mahalaga sa akin yun. ang sa akin, ang mahalaga, ay na-express ko ang sarili ko. okay na ako dun. =)

Wednesday, March 10, 2010

praise God for the rain!

in the middle of el nino, a 5-minute rain is really a blessing!

awesome is my God!

Saturday, March 6, 2010

i'm crazy in-friends with jaque

i have a friend.
her name is jaque.
she's a year older than me. but our birthdays are 2 days apart.
i'm happy being single. and she's agonizing about her marriage.
i love my faith. she loves vanity.
i buy my clothes in tiangges, divi or ukay-ukay.
she buys hers in signature stores or in London.
i can go out of my house without taking a bath and just in my pajamas.
she can't go out without sun block and pretty clothes on.
but even if we're very different, we still love to hang out together.
we're both spontaneous. love to do crazy stuffs.
discussions about life, love, politics and anything-under-the-sun fills our time.
we love to try new things. to reinvent ourselves. to take on challenges that comes our way.
we're both forgetful. we're both loud and quiet at the same time. we're both moody.

on our birthday this year, we celebrated it by attending the alumni homecoming of our college... but with the wrong batch. and last night, we just thought of doing something out of the routine: go to a park, ride a bike, stroll, ride the swing and see-saw, dine and chat. out of our busy schedules, we just found time to do something spontaneous for us to unwind, to update each other and enjoy our friendship.

i love being friends with jaque. i'm crazy in-friends with her.

 @ UST