yan ang linya ko kahapon pauwi mula sa office. hindi ko kasi maintindihan na sa tagal na ng panahon na wala akong pakielam, na wala namang 'ganung' pansinan, nakuha pa niyang inisin ako.
oo nung una, alam kong effort ang hindi pansinin siya. sabi ng head ko eh. at may wisdom naman kaya sinuod ko rin. ang hirap nun. nasanay kasi ako na pag may nakakatawa o kaya naman may gusto ko ikwento o naalala sa mga naging experiences namin, sa kanya ko sinasabi. pero kung pinagbawalan ka para sa ikabubuti mo, bakit hindi, di ba? hanggang sa tumagal, nasanay na akong hindi siya pinapansin. para na lang siyang isang pader na dinadaan-daanan kapag nagkakasalubong kami. minsan, may interaction. pero alam ko, wala na. hindi na kami magiging magkaibigan nito. solve na ako dun. nakakalungkot syempre - eh isa ba naman siya sa mga magagandang alaala ko tapos biglang isang iglap, nawala na. pero syempre, ganun naman talaga ang buhay, may mga taong dumadating at umaalis. at isa siya dun sa umalis.
buti na lang wala masyadong nakakaalam ng kung anong klaseng relationship meron kami dati. kung gaano kami ka-close. syempre, yung mga kasama namin dun at mga leaders namin, alam. buti na lang, wala masyadong tanong, wala masyadong issue. o kung meron man, oblivious na ako dun. actually, indifferent. kasi nga, wala na akong pakielam. alam kong mali, dahil nage-exist kami sa iisang mundo, pero ganun talaga. some good things never last.
pero kahapon, hindi ko kinaya. alam ko na may attitude siya. na moody siya. na minsan, wala siyang pakielam. simple lang naman approach ko sa kanya. "gusto mo?" ang sabi ko sa kanya, katulad din ng sinasabi ko sa lahat bago siya. pwede naman siyang maging polite at sabihing oo o hindi, okay lang naman eh. pero yung titigan ka with that blank face at sabay alis? uhmmm... hindi ba nakakabastos lang? hindi ba winalk-out-an mo ako nun? pagkain lang yung ino-offer ko, hindi puso o buhay ko na dapat mong tanggapin. yung pagkain na yun, no strings attached. at kung napansin mo, parehas lang ang approach ko sa iyo, gaya ng sa iba. hindi special. ni pa-cute wala. dahil wala ka na nga di ba? dahil pader ka na lang. pero nakakainis lang yung ginawa mo. simple lang, baka nga hindi mo na maalala yun, pero i just felt that someone walked out on me just because i offered a dessert to him. haayy.. kakayamot.
sa sobrang yamot ko, nagawan pa kita ng blog. sa ganitong paraan ko lang naman mae-express yung feelings ko. alam ko na marami makakabasa nito at baka mabasa mo rin. pero wala na akong pakielam. ang sa akin lang, pinipilit kong maging casual sa iyo, maging kapatid sa iyo. sana maging ganun ka rin, pero kung di mo kaya, sana maging mabait na tao ka lang. hindi naman tayo iba sa isa't-isa, at sa pagkakaalala ko, hindi ako ang nang-away, hindi ako ang nanakit. kaya sana be a brother. yun lang.
sorry sa mga nagbasa, puro rants lang ito.
No comments:
Post a Comment