Thursday, June 3, 2010

isa kang damong ligaw na naligaw sa buhay ko

Damong ligaw.
Mga bagay, tao o pangyayari 
Na patuloy na kumakain 
Ng mabuting kalooban mo.
Sila ang pumipigil 
Sa pagsibol ng iyong kagandahan
Kadakilaan
at kagalingan.
Minsan akala natin
na ang presensiya nila ay normal lang
Pero di natin pansin
na unti-unti na pala nitong kinakain 
Ang ating kasiyahan, ang ating kagiliwan sa buhay.
Kaya ang Hardinero, kapag nakita ang damong ligaw
Tinatanggal ito.
Dahil alam niya na mas makakasira ito kesa sa ikabubuti nito.

Tingin ko, ikaw ang damong ligaw ng buhay ko.
Isang damong naligaw,
Akala ko nung una, masaya
Na makakabuti ka.
Pero hindi pala.
Pilit ko iniisip kung ano ka ba talaga
At yun, nahanap ko rin ang tamang kataga
Damong ligaw. Oo, Ikaw ang damong ligaw.
Na paminsan-minsan, patuloy pa rin ang pagtubo
Pero paulit-ulit ka na tinatanggal sa buhay ko.
Oo, damong ligaw.
Minsan nahihirapan akong tanggalin ka
Pero alam ko na kapag inalis ka, kapag nawala ka
Mas magiging okay ako. Mas magbubunga ako.
(hindi pa natapos dahil hindi alam kung paano tatapusin ang pagiging damong ligaw niya sa buhay ko)

No comments:

Post a Comment