Thursday, June 3, 2010

"hindi ako si superwoman!"

a blog I made while a sister was sharing during the Vineyard Weekend:

Mayabang ako.
Tingin ko kaya ko lahat.
Lumaki kasi ako na kinakaya ko ang lahat.
Pero ngayon, tinuruan ako...
Di pala lahat kaya ko.
Na okay lang pala na malaman na may kahinaan ka rin.
Na may mga bagay kang hindi mo kayang gawin.
At kapag nalaman mo na ang kahinaan mo,
Mas madaling matanggap ang sarili mo.
At kapag tanggap mo na ang sarili mo, kapag mas kilala mo an kung sino ka,
Mas maiintindihan mo ang mga bagay na kaya at hindi mo kayang gawin.
Ang mga bagay na dapat at hindi dapat.
At sa ganoong paraan,
Mas may kalayaan ng gamitin ka ng Diyos.
Dahil wala ka ng itinatago.
Wala ka ng pag-aalinlangan.
Dahil alam mo na
Na kahit ano sa buhay mo - maganda o hindi
Kalakasan mo o ang iyong kahinaan,
Pwede niyang gamitin.
Basta payagan mo lang siya.
Hindi ka niya pipilitin
Dahil mahal ka Niya
Kaya ka Niya binibigyan ng pagkakataong pumili
Na piliin Siya, o piliin ang iba.
Ako? Pinipili ko Siya.
Ilang beses man akong madapa, magkamali, at minsan lumayo sa Kanya,
Pipiliin ko pa rin Siya.
At alam ko, oo, sigurado ako dito
na kahit ilang beses uli akong madapa, magkamali, at minsan lumayo sa Kanya,
alam ko, isa lang ang gagawin Niya.
Pipiliin pa rin Niya ako.
*   *   *

No comments:

Post a Comment