Katatapos ko lang manood ng korean-novela na "What star did you come from?" na inupuan ko ng 7 oras (at di pa siya tapos. may 5 oras pa). Nakakatuwa yung palabas dahil andaming twist, at ang maganda kasi sa mga korean-novelas o movies ay yung pagiging unpredictable nila (unlike ng mga Pinoy teleseryes at movies natin).
Isa dun sa mga remarkable scene sa korean-novela ay yung niyaya nung girl yung guy na pumunta sa isang football stadium dahil akala nung girl may football game. Pagdating nila dun, wala palang game. Kaya naman sila pumunta dahil malungkot yung guy dahil death anniversary ng girlfriend niya. Sabi nung girl, kapag malungkot siya nanunuod lang ito ng football game para sumaya siya.
Nakaka-relate ako sa girl. Football fan ako nung college. Liverpool ang team ko sa FIFA. Naalala ko pa na nagcu-cutting classes pa ako para makauwi ng maaga ng maabutan ko naman ang game ng Liverpool. Kahit di ko naiintindihan yung rules nung laro, gusto ko pa rin manuod. Niatigil lang ang pagiging football fanatic ko nung nawalan na kami ng cable.
Hindi ko inakala na maibabalik yung pagiging fan ko nung pumunta ako sa Costa Rica. Ito ang kanilang national sport. Kapag finals na o kaya laban sa ibang bansa, tumitigil ang mundo nila - pati ang mga activities rin, tumitigil. Naalala ko nga, may isang activity kami, Talk 2 ng Covenant orientation (pa nun), isa lang ang dumating dahil lahat nanuod ng game.
Favorite ko ang Saprissa, isa sa mga magagaling sa Costa Rica. Sa sobrang pagiging fan, bumili talaga ako ng football jersey. Nakikiupo talaga ako sa mga members namin manuod ng games nila, at tulod nila, tumitigil din ang mundo ko. Iba kasi ang excitement - kahit ang tagal ng pasahan ng bola, kapag naka-goal naman, kala mo nanalo ka rin ng lotto. Ang galing lang kasi kung paano nila gina-guard yung bola para di mapunta sa kalaban, at paulit-ulit nila ginagawa yung sa loob ng 90 minutos. Ang galing!
* * *
Isa ka ba dun sa mga batang pinangarap maging presidente ng bansa niya paglaki niya?
Isa ako dun. Siguro mga 5 o 6 na taon ako nun, nung natanong ako ng gusto ko maging paglaki. Di ko maalala kung bakit ko ginusto yun, pero siguro dahil lagi ko nakikita si Cory Aquino nun sa TV at ang dami niyang bodyguards. Nung mga panahong iyon, gusto ko maging ganun.
Habang lumalaki ka na at naiintindihan mo na ang mga bagay-bagay sa paligid mo, nag-iiba na rin ang gusto mo. Gaya ng kagustuhan ko maging presidente. Pero kahit ganun, nagkaroon naman ako ng mas malaking paki-elam sa politika ng Pilipinas. Nag-volunteer ako sa PPCRV nung 1998 at 2004. Nang malaman kong pwede na akong bumoto nung 2204, dali-dali akong nagpa-rehistro sa Comelec sa QC Hall para makaboto. Nung lumipat naman kami ng Cainta, nilakad ko na rin agad ang pagpapalipat ng rehistro ko.
Bakit ba sabik ako sa pagboto?
Una, dahil mahal ko ang Pilipinas. KAhit madumi at corrupt ito, wala pa ring papantay sa kagandahan ng bansa at kabutihang asal at pagiging Katoliko ng mga Pilipino.
Pangalawa, gusto kong pumili ng magiging lider ng bansa ko. Hindi man ako makatakbo bilang politiko at makagawa ng isang batas, at least, makakapili ako ng pwedeng mag-represent sa tao ng mga gusto naming mangyari sa bansa upang umunlad at mapangalagaan ito.
Nag-iisa man ang boto ko, pero alam ko mahalaga ito.
Kaya kanina, bumoto uli ako. Handang-handa na ako sa init (may dala akong paypay, payong at shades) at sa mahabang pila (may dala akong libro). Unang beses kong bumoto sa Cainta kaya excited din ako. Lalong-lalo na sobra akong apektado sa magiging outcome ng eleksiyon dahil hindi lang kinabukasan ko ang nakataya dito, pero kinabukasan ng magiging pamilya ko.
Ang bilis ng pangyayari pagdating ko. Parang hindi ko pa ata nagra-grasp kung ano yung nangyayari, tapos na. Natapos na ako bumoto. Ganun kabilis. Pero masaya ako, dahil alam ko na yung binoto ko ay ang mga taong ipapaglaban at pro-protektahan ang 2 sa mga pinakamahalaga paea sa akin - buhay at pamilya. Kaya kahit isang boto lang, naibigay ko naman ang kontribusyon ko sa aking bansa.
* * *
Lalabas na si Mommy sa ospital mamaya. Yehey! Kahit may aircon at cable tv ang kwarto niya, iba pa rin ang pakiramdam ng nasa ospital. Mas dama ko na may sakit siya. At minsan, di ko maiwasang isipin na ako rin pala, may sakit.
Nang sinabi ng doctor kung ano yung prognosis niya kay Mom, sari-saring emosyon ang naramdaman ko - natulala at nabigla, at ang pakiramdam na nagpapasalamat dahil alam mong hindi ka pababayaan ng Diyos. Nang mahimasmasan na ako, dun ko lang naisip na hindi ko kayang matanggap yung sinabi ng doctor. Kaya hanggang ngayon, naghahanap pa rin ako ng mga paraan kung anong gagawin sa kanya.
Sabi nga ng pari kahapon, "kung mahal mo, hindi sapat na sabihin mo lang; dapat ipakita mo!"
Kaya nagdasal ako at nag-decide na uunahin ko muna ang pamilya ko, ang mommy ko - kaya magle-leave ako sa office ng 2 linggo. Mahirap dahil may mga naka-planong mission trips pero kailangan mong i-set din ang priorities mo. At para sa akin, pamilya ang priority ko dahil yun naman ang tawag sa atin ng Panginoon.
* * *
Football.
Elections.
Family.
Iba't-ibang tema. Pero iisa lang ang gustong tumbukin.
Kahit anong bagay o tao na para sa iyo, mahalaga ito,
gagwin mo ang lahat
para protektahan
at ipaglaban ito.
Kaya kailangan mong malaman kung anong mahalaga sa iyo.
Para sa akin, mahalaga ang Diyos, pamilya, kaibigan, trabaho bansa at buhay ko.
At sa mga bagay na ito umiikot ang mundo ko. ang mga prinsipyo ko. ang mga pinaninidigan ko.
Kaya kahit anong mangyari, ipaglalaban ko ito.
Dahil eto ang mga bagay na mahal ko. Eto ang mga bagay na humuhubog sa kung sino ako.
Ole! (6x) - Saprissa, one of Costa Rica's finest football team (and my favorite!)
Ang botante: 20 mins lang!
Si Tita Khyme at Beats
Swap shirts: Kasya yung mga damit namin sa isa't-isa!
No comments:
Post a Comment