i always forget. but there are some things worth remembering. and those are the things that i blog.
Wednesday, January 27, 2010
ang TAHO.
Mahilig ako sa taho simula pa nung bata ako. Naalala ko pa na isa ito sa mga favorite kong breakfast tuwing weekend; may suki kami nun at alam ko na anjan na siya kahit malayo pa lang dahil sa boses niyang sumisigaw ng TAHO! at kami namang magkakapatid ay dali-daling kumakaripas ng takbo para kumuha ng baso at ng limang piso para makabili ng taho.
Habang lumalaki na ko, hindi na ako masyadong nakakainom ng taho dahil namatay na rin yung suki namin. Wala na rin masyadong nagbebenta ng Taho sa may amin. Nung college ako, meron naman sa school nagbebenta pero nauso na kasi nun yung cold taho; di ko masyado nagustuhan, syempre iba pa rin yung nakasanayan, yung mainit at matamis na taho sa umaga.
* * * * *
mga ilang buwan na rin ang nakakalipas ng naulit uli ang pag-inom ko ng taho ng madalas. Sa may sakayan kasi ng bus sa Megamall ay may nagtitinda ng taho sa gabi. Weird dahil taho sa gabi, eh nasanay ako na breakfast yun, hindi dinner o merienda. Pero nung natikman ko, aba, nag-iba na ang tingin ko sa taho nun. Alas 9 ng gabi pero mainit pa; at ang masaya pa nun, tingin ko (o tikim ko?!) na kalasa niya yung taho na tinitinda ni suki nung bata pa ako! Kaya bago ako sumakay ng bus, lagi ako nabili ng isang baso ng taho.
Pero mga dalawang linggo ng nakakalipas, parang di ko na nakikita yung nagtitinda ng taho sa pwesto nila. Di ko alam kung nasa'n na sila. Hindi kaya ipinagbawal na sila ng MMDA? Ewan ko. Pero nakakainis kasi ngayong naghahanap ang panlasa ko ng taho, hindi ko sila makita; at ang masaklap nito, wala rin akong makita na malapit sa office na nagtitinda ng taho! Tuwing umaga, umaasa ako na sana may nagtitinda ng taho ako masalubong, para naman kahit papano, mawala na yung paghahanap ng panlasa ko dito. Nakatikim ako sa Baguio nung isang araw, strawberry flavor pa, pero iba pa rin ang original flavor na taho.
Kugn may makita man kayo na nagtitinda ng taho, please naman, ilibre niyo naman ako kahit yung limang piso lang. para sumaya-saya naman ako. *wink*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment