Monday, March 15, 2010

hypnotized by a Pandecoco


Last year, pumunta ako sa probinsiya ng friend ko sa Bataan. Hindi ko na maalala kung bakit kami pumunta pero naalala ko na nag-serve kami sa isang Mass ng isang Spanish-speaking priest.

Pumunta kami sa bayan kung saan kumain kami ng street foods at tumingin ng mga damit na pwede namin gamitin sa Congress na pupuntahan namin. Habang naglalakad kami, naisipan ng kaibigan ko na puntahan yung Tita niya na may tindahan sa may palengke. Eh di lakad dito, lakad dun. Hanggang sa nakarating na rin kami sa tindahan. Tingin dito, tingin duon. Tapos eto ang nangyari:

My version:
Nakita ko yung panaderia katabi ng tindahan. Tumitingin tingin dahil gutom pa rin ako. Hanggang sa nakita ko yung pandecoco. Hindi ko alam kung ano yung nangyari, pero yung pakiramdam ko nun eh tuwang tuwa at parang inaasam ko talaga ang pagkain ng pandecoco. Bumili ako gn 5, at ang unang kagat... oh-la-la. Parang tumigil ang mundo. Ako lang at ang pandecoco.

My friend's version:
Magkatabi lang tayo nun. Tinawag lang ako ng Tita ko sandali at pagbalik ko wala ka na. Hinanap kita at yun nga, natagpuan kita sa may panaderia. Tinawag kita ng ilang beses pero hindi ka lumilingon. Sigurado naman akong malakas ang boses ko nun dahil tumingin na rin yung mga tao na nasa panaderia. Patuloy ka sa paglapit sa panaderia. Dahan-dahan na paglalakad. Tapos bumili ka ng 5 pirasong pandecoco. Tinawag uli kita. Pero para kang sinaniban ng kung ano. Dahil hindi ka pa rin lumingon. Nagsimula na akong lumapit sa iyo ng makita kitang kumagat sa pandecoco na hawak mo. At dun ko nakita ang kakaibang ngiti. At ng tinapik kita, nagulat ka. Para kang nakakita ng multo. At ng tinanong kita kung narinig mo ako, sabi mo hindi. Dun ko napagtanto na para kang na-hypnotized ng pandecoco.
*  *  *
Paborito ko kasi ang pandecoco. Naalala ko nung bata pa kami ng mga kapatid ko, may malapit na panaderia sa may amin. Tuwing hapon, nagpapabili ang lola ko ng tinapay. Iba't-ibang tinapay. May spanish bread, kababayan, ensaymada, pandesal at kung anu-ano pa. Hindi ako masyadong mahilig sa tinapay. Pero nang isang araw na may inuwing pandecoco, na-curious ako dahil may niyog sa loob. Sabi ng Lola ko, matamis daw iyon. At dahil mahilig ako sa matamis, syempre, tinikman ko. At dun na nagsimula ang love affair ko sa pandecoco.
*  *  *
Nung nakita ko yung pandecoco sa panaderia, parang tinatawag ako nito. Kaya bumili ako ng 5. At ng pagkagat ko, napangiti nga ako. Naalala ko kasi yung mga hapon na kumakain ako nung bata pa ako. At yun kasi ang unang beses kong kumain ng pandecoco pagbalik ng Pilipinas pagkatapos ng 2 taon sa misyon.

Naisip ko lang na hindi nasusukat sa liit o laki ng isang bagay o pangyayari kung paano nito patitigilin ang mundo mo; depende na lang kung gaano kalalim ang pinagdaanan mo kasama nito at gaano kalaki ang naging bahagi nito sa buhay mo.

Friday, March 12, 2010

"why do you blog?"



isang kaibigan ang nagtanong nito matapos mabasa niya ang isa sa mga naisulat ko sa blog na ito.

bakit nga ako nagblo-blog?

una, expression of one self. hindi ako writer. hindi ko alam kung magiging isa man ako. pero ang gusto ko lang sumulat. tapos.

pangalawa. gusto ko lang i-share sa mundo ng internet yung mga iba't-ibang kwento ng buhay ko; iba't-ibang ideya, saloobin, ninanais. hindi para magmayabang o kung ano man. simple lang, gusto ko lang ibahagi ang buhay ko.

at pangatlo. hindi ko alam kung bakit pero kapag ako'y nagblo-blog, iba yung feeling. yung para bang feeling free ako, na hindi na ako dapat magkunwari, pwede akong maging ako, walang keme sa ibang tao, emo man o hindi wala akong pakielam dahil blog site ko ito.

masaya ako kapag nagblo-blog ako. masaya akong basahin ang mga minsan nakaka-inspire at minsan naman nakakatawang entries ko. hindi ko na rin iniisip kung anong sasabihin ng magbabasa ng mga ito. hindi na mahalaga sa akin yun. ang sa akin, ang mahalaga, ay na-express ko ang sarili ko. okay na ako dun. =)

Wednesday, March 10, 2010

praise God for the rain!

in the middle of el nino, a 5-minute rain is really a blessing!

awesome is my God!

Saturday, March 6, 2010

i'm crazy in-friends with jaque

i have a friend.
her name is jaque.
she's a year older than me. but our birthdays are 2 days apart.
i'm happy being single. and she's agonizing about her marriage.
i love my faith. she loves vanity.
i buy my clothes in tiangges, divi or ukay-ukay.
she buys hers in signature stores or in London.
i can go out of my house without taking a bath and just in my pajamas.
she can't go out without sun block and pretty clothes on.
but even if we're very different, we still love to hang out together.
we're both spontaneous. love to do crazy stuffs.
discussions about life, love, politics and anything-under-the-sun fills our time.
we love to try new things. to reinvent ourselves. to take on challenges that comes our way.
we're both forgetful. we're both loud and quiet at the same time. we're both moody.

on our birthday this year, we celebrated it by attending the alumni homecoming of our college... but with the wrong batch. and last night, we just thought of doing something out of the routine: go to a park, ride a bike, stroll, ride the swing and see-saw, dine and chat. out of our busy schedules, we just found time to do something spontaneous for us to unwind, to update each other and enjoy our friendship.

i love being friends with jaque. i'm crazy in-friends with her.

 @ UST