matagal na akong hindi kinikilig. siguro dahil nga sa sinanay ko ang sarili na wag kiligin para hindi mag-assume, naging manhid na rin in a way. nung last na kinilig ako, nasira ang friendship. napagalitan ng boss. at napadasal ng todo-todo. umiyak. nasaktan. yun ay dahil in-allow ko ang sarili na kiligin at dalhin ng aking emosyon. at NIYA.
pero kanina, sa hindi sinasadyang pagkakataon, kinilig ako. wala namang spectacular na nangyari. we just talked. chit-chat. small talks. (and i'm good with that). walang special sa pinag-usapan. pero weird kasi nag-uusap. hindi naman kami ganun. pero okay naman. di ako dun kinilig.
kinilig ako nung pagtingin ko sa kanya dahil tatawagin ko siya eh nakatingin siya. seryoso. at siguro nakita na niya na nakatingin ako kaya ngumiti. but i looked away.
ang arte ba? di lang siguro ako sanay. pero nice yung feeling. something new. di ko lang akalain na tatablan ako ng kilig sa mga panahon na ito. ngayon pa, na ini-immune ko ang sarili ko for more than a year na mula sa aking nakaraan.
nice try. sana maulit. *ang arte*
inx's: minsan, kelangan may kaartehan at walang ka-kwenta-kwenta naman ang i-blog. para masaya. haha
No comments:
Post a Comment